toe fingering

toe fingering
oohh! bibig nya naka handa rin

Sabado, Oktubre 18, 2008

BAKIT PAUBOS NA ANG MGA LALAKING TUNAY

nung una ko tinigasan sa nipol ng kapwa ko may titi, di ko alam kabaklaan na pala yon. hanggang sa napapatitig ako sa mga pawis na kalamnan ng hunky trike drayber, naisip ko na lang... "shit..., i'm gay."

makitid pa utak ko nun, kaya may akbay pa rin akong babae, kahit napapalingon ako sa gwapo. akala ko pagsubok lang to ng langit o parusa sa mga kasalanan ko. salbahe kasi ako nung bata, chinachansingan ko yung tito ko, lagi kasi ako kinakandong ampf! pero may anak na sya ngayon huhu...

pag pinili ko to, panu na ko magkaka anak? sa baby-maker? magrent ng puta na maganda at matalino? makipag sosyo sa lesbian couples tas tag-isa kami? mura na ba ang cloning after 10yrs? tapos naka tanggap ako ng teks: "never worry about the future, dont be afraid to take risk, enjoy life bitch!"

ayun! nagpakasasa ako sa kapusukan.. kung gwaping ka, trip mo ko, magsanib tayo ng libido! sa dorm mo pag tulog sila, tinted naman car mo, o sa opisina pag OT na, sa poste na madilim, sa banyo ng araneta, abandonadong lote..

bumilis ikot ng mundo ko. nagulat si mokong sa sarili nya. dati di ko alam kung sino bading at hindi, ngayon may infrared mata ko sa bawat ka-uri. pag may trip ako, type lang agad sa CP: PRE PWEDE BA MAKUHA # MO? pasimple papakita, maya maya kateks ko na. maya maya, kaseks ko pa.

sumobra lakas ng apog ko minsan muntik na ko masapak napagkamalan ko isang gagong gwapo, este gwapong gago.. a basta pareho lang yun parang ako. sabi sakin: "PARE MAY PROBLEMA KA?" tapos sagot ko: "WALA TOL, TINITIGNAN KO LANG SHADES MO, MAGKANO BILI MO DIYAN?" sabay lakad palayo ahihihi...

PUNYETRAGIS, nachekan ko ata lahat ng field: mula manager, SM crew, nurse, duktor, enggr, bokalista, arkitekto, pulis, bumbero, medrep, waiter, tindero, palengkero.. at na bingo ko rin ang UAAP at NCAA: maarteng lasalista, kupal na taenista, manyakis na taga uste, bobang taga up, baklitang taga feu, letranistang badbret, bedistang baklita, may putok na taga ue, taga benilde na maluwag, skwater na taga jru, epal na taga fatima, at mga school na nagsulputan pero wala sa listahan ng CHED.

meron din daddy type, hiwalay sa asawa, may anak. nung nakita ko nga yung bata, naawa ako, tinawag pa akong tito. di nya alam nakaseks ko tatay nya kanina lang. nakita ko sarili ko sa mga guys na may 'front' pero nakikipag titigan sa mall, o kaya di pa nadiskubre ang sarili. gusto ko silang tulungan kumawala sa hawla, para akong ipis na habang nilalayuan lalong lumalapit. pero naisip ko may kanya kanya tayong paraan ng pagtakas sa katotohanan o pagharap rito: pakawalan ang mga ibon at itlog natin dahil mga bulaklak naman ito.

nagloko ako sa babae at lalaki, marami ako nasaktan, napaiyak. di ako natuto. muntik ako mawalan ng besfrend: "TOL LALAKI TAYO DIBA? ANO YUNG SINASABI NILA BADING KA RAW?? (LASING HUMAHAGULGOL..)

nagalit ako sa sarili ko. di na tama to. panu ko makakahanap ng seryosohan? may gwapo nga pero makati pa sa higad. may matino nga pero mala sirena naman umasta. mabait nga pero lakas humilek baho pa ng utot..

anak ng baog! di ito ang tunay na esens ng pagiging silahis. waphak! = natuto ako magmahal. alam mo yung hihinto yung mundo mo pag kahalikan mo sya? parang pag may laban si paquiao.. walang trapik, walang tao sa labas.. at parang kalaban ni pakyaw, nasaktan rin ako, nagsisi. na karma ng triple.

naranasan ko maglakad ng lumuluha mula quiapo, lawton, hanggang taft. mas pinili ko mamrublema sa pag-aaral, sa pamilya, sa pera, kesa sa pag-ibig. kayang kaya akong kontrolin ng isang lalaki sa pamamagitan lang ng kanyang mga daliri. sa text.

dinaig ko ang parusa ng serial killer, o ang pighati ng tirahin ng sampung kabayo sa pwet. alam mo yung puso ko parang sako ng bigas, tusuk tusukin mo ng itak pero di pwede maglaglag ni isang butil? kasi wala ako pwede pagsabihan, di pwede makita ng tropa ko na umiiyak ako parang kuting. ano ko, jokla? batukan pa ko ng mga yun.

pero sa mundong ito, sino nga ba tunay na bakla? yung tatay ko na walang trabaho tapos may apat pang anak sa labas? yung kuya ko na palamunin at naninikmura ng GF? o yung pinsan kong adik na binenta lahat ng rubber shus ko pandroga?

asan ang mga bayag nila?? ASSAAANN @#$%&*!! !!

shit.

mommy, daddy, hindi ito isang sakit, at hindi ko kayo sinisisi bat ako ganto. siguro nga mali kung dinaan ko nuon sa libog lahat ng prublema ko, pero naging mabuti at responsable akong anak, kapatid, tito, kaibigan. sunud sunuran ako wala akong reklamo, ako lahat umaako ng prublema sa bahay. tinitiis ko tong lahat kasi alam ko balang araw masasaktan ko damdamin niyo, pag umamin na ko na magpapakasal na kami ng nobyo ko. sory kung di ko maipakilala pangarap nyong mayaman at matalinong babae, pero pangako pag naging stable na ko ako bubuhay sa inyo. mahal ko po siya. sya dahilan kung bakit puro uno na uli grades ko, sya nagturo sakin magsimba, di na rin ko umiinom at nagyoyosi msyado dahil sa kanya, at di na ko nakikipagtalik kung san san.

alam ko na kum bat ako ganto. natuto ko magmahal ng totoo, walang kapalit. naramdaman yung matinding kaligayahan, higit sa kahit anung matiryal na bagay. napag bago ako patungo sa mabuti, di sapilitan.


sa inyong lahat,

MAY SIKRETO AKONG IBUBUNYAG...