toe fingering

toe fingering
oohh! bibig nya naka handa rin

Linggo, Agosto 10, 2008

nag away kami ng tatay ko

02/21/08 07:36 PM
nag away kami ng tatay ko

mukha tanga na ko, nangalahating kaha na yosi ko, hindi pa rin siya dumarating. weather people really stare at you or not, u will always feel being stared at whenever you're alone. ang dami ko pa namang bitbit na agaw pansin, kaya nga ko nagpadaan kasi di ko mabuhat lahat sa motor.

sabi ng tatay ko, alasyete sya darating. alas nwebe, nagpipigil pa rin ako ng ihi. ako nga nakakapag yosi at text habang nagmamaneho, bakit di sya magreply? pag tatawagan ko, kabado boses nya, natataranta at halatang nagsisinungaling. punyetang Nagtahan Bridge yan, singhaba ba ng great wall of china?

gusto ko talagang sapakin tatay ko nun, kapalit na rin ng mga panggagago nya sa ina ko. kung wala lang dun yung isang kaklase ko palabas ng gate, first time ko sana magagawa yung matagal ko ng gustong gawin sa kanya ->black eye sa likod ng salamin nya. aba'y gusto pang ilagay ang motor sa loob ng van? nagsisigawan kami run parang bata.

hinagis ko mga gamit ko sa loob ng van, sabay hampas ng pinto at bangga sa balikat nya ng di ko sinasadya, pero hinayaan ko na lang para malaman nyang galit ako. natakot ako dahil baka hilahin ako pabalik at sapakin ako, nakakahiya sa mga tao, pero di nya ginawa.

nakasakay na ko ng motor palabas ng gate, nagulat ako dahil hinintay pa pala nya ko makalabas, na touch ako konti pero inisnab ko sya at binilisan ko patakbo, hindi nya ko makukuha sa pa-ganun ganun nya. dali dali naman syang sumunod, sumingit singit ako sa pagitan ng mga sasakyan at sa isip ko sigurado di na makakasunod yun.

agulantang na lang ako ng biglang may umobertake sakin at humarang sa harap ko. binuksan nya pinto at sinigawan ako sa gitna ng kalsada, "buksan mo nga ilaw mo! kaya kita hinahabol kasi wala kang ilaw!"

sa sobrang inis ko sa kanya nakalimutan ko pala buksan ilaw, sabay inon ko agad.. "meron namang ilaw ah! kanina pa nakabukas yan, madilim lang!" patakbo ako uli pinaka mabilis, nadinig ko gulong nya hinahabol pa rin ako!

pagdating ko intersection, nalagpasan ko red light, pero sumunod pa rin sya, at dinig na dinig ko yung mga iyak ng gulong ng mga ssakyan na muntik ng bumangga sa kanya!

kinabahan ko bigla. pag naaksidente ama ko, ako may kasalanan. ero tangina ang kulit nya e, kelanman hindi mahahabol ng mahabang van ang motor. bahala sya sa buhay nya, kung oras nya oras nya. humarurot pa rin ako, nagdasal na lang ako na sana walang masamang mangyari sa kanya.

bente minutos na ng makauwi ako sa bahay, wala pa rin sya. palakas ng palakas tunog ng dibdib ko, baka kung napano na yun. limang minuto pa, nakauwi rin. at parang walang nagyari samin.

kahit gaano kasama loob ko sa kanya, sa lahat ng kasalanan nya samin, tatay ko pa rin yun. mawala man respeto, yung malasakit andun pa rin e. tska di ko matitiis na umiyak nanay ko pag namatay yun.

i guess i just have to wait for his time, para di na niya kailangan maramdaman yung sakit ng loob sa panahon na aaminin ko nang mas gwapo pa mga naging eks ko kesa sa kahit sinong naging boyfrend ng mga ate ko.

Comments: 7
Perfect...nakakarelate ako sa mga blogs mo...may no. kba? gusto kita maksuap minsan..bka pwde mo ako payuhan minsan??ervin

Posted by ivan, 06/29/08 10:37 PM delete
magsa-subscribe nq sa mga blog posts mu.. galing mu e.

Posted by francis neil, 04/07/08 02:00 PM delete
hehehe

Posted by ..., 02/29/08 06:34 AM delete
salamat sa mga kumento nyo, masarap feeling ng may ibang nakaka relate.

Posted by dencio, 02/22/08 05:50 PM delete
i like that. i dunno what came into my mind and read some blog posts here, but its nice coz i got to read this. pareho tayo dude, may pagkarebelde, palaban, but sometimes nakakakonsensya din kasi i feel like im losing respect towards him. eitherway, tatay pa rin natin sila. mine is even way harsh pa nga, to think na lumaban ako ng kamao sa kamao. and it sucks, thinking na tatay mo ang sasalo ng suntok mo. but i cant help it, out of emotions din cguro. then nagka-gap kami. good thing na lang at we still stay under one roof at napapagusapan lahat. i know i've been really bad.. worse than anyone can ever imagine.. but i regretted all that. one thing i learned was, no matter how bad my dad was, err.. still to us (grins), sa family namin, he still deserves some damn respect from us. esp from me.

Posted by skippy, 02/21/08 10:01 PM delete
sorry pero ntawa aq sa huling paragraph... peo nka2kaba tlga ung experience na un huh....

Posted by arvheen, 02/21/08 08:46 PM delete
that's rude but I kinda like your attitude... maybe because we're so different... gs2 ko minsan magpaka rude dahil sa inis at sama ng luob but I tend not to... hehehe.. hope to meet you in person someday.

Posted by pSeUdOPsYcHo, 02/21/08 08:43 PM delete

1 komento:

Hindi-nagpakilala ayon kay ...

who owns this site?
i see ur friends are also
some of my friends in DL...


im a blogger too...
may i know who owns this blog?